Nagsimula nang nagsanay sa Corn Production at Good Agricultural Practices (GAP) ang 30 na magsasaka ng mais na mula sa Bayan ng Alcala na isinasagawa ng Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan.
Ayon sa Provincial Agriculturist ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, ang nasabing bilang ng mga magsasaka ay sasailalim sa 16 na linggong pagsasanay tuwing araw ng Biyernes hanggang matapos ang naitakdang training.
Dagdag pa nito, kabilang sa pag-aaralan ng mga magsasaka ng mais ay tungkol sa Proper Technology and Management para maparami ang kanilang ani at maibaba ang gastusin sa production ng mais.
Ang iba’t ibang serye ng pagtuturo sa mga magsasaka ay pinapangunahan ng OPA at katuwang dito ang ibang ahensya tulad ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Cagayan.
Source: Cagayan Provincial Information Office