13 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

30 Kababaihan sa Bayambang, benepisyaryo ng libreng family planning service

Nasa tatlumpung kababaihan mula sa Bayambang ang naging benepisyaryo sa libreng family planning service na ginanap sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park noong Biyernes, ika-27 ng Setyembre 2024.

Ang family planning procedure na isinagawa ay ang Progestin Subdermal Implant (PSI) insertion, isang uri ng pangmatagalang paraan ng family planning, sa ilalim ng programang inilunsad ng Rural Health Unit ng Bayambang (RHU-Bayambang) sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH).

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Family Planning Month, na karaniwang ginugunita tuwing Agosto. Ang PSI insertion ay isang mabisang pamamaraan ng contraception na tumatagal ng tatlo hanggang limang taon at nagbibigay ng proteksyon laban sa hindi planadong pagbubuntis.

Pinangunahan nina Dr. Paz Vallo, Dr. Adrienne Estrada, at Dr. Roland Agbuya ang pagsasagawa ng mga insertion, samantalang sina Joan Villanueva, Ian dela Peña, at Rose Aguado, mga nurse mula sa DOH, ang tumulong sa proseso.

Ang ganitong mga programa ay bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan upang masiguro ang reproductive health rights ng mga kababaihan at maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis na maaaring makapagpabigat sa mga pamilyang Pilipino.

Source: Balon Bayambang

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles