12.5 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

30 grupo ng iba’t ibang organisasyon at paaralan, nakilahok sa Panagbenga Grand Dancing Competition

Nakilahok ang 30 grupo mula sa iba’t ibang paaralan at organisasyon sa isinagawang Grand Dancing Competition bilang bahagi ng pagdiriwang ng Panagbenga Festival 2023 na ginanap sa Session Road, Baguio City nito lamang Pebrero 25, 2023.

Ito ay binubuo ng apat na grupo para sa grand street dance competition and parade, 17 para sa cultural dance category at 11 naman para sa festival street dance category.

Sa grand street dance competition ay nanalo ang Baguio Central Elementary School, 2nd place ang Tuba Central School, 3rd place ang Josefa Cariño Elementary School at 4th place naman ang Lucban Elementary School. 

Sa cultural dance category naman ay 1st Place ang Saeng Ya Kasay Cultural Ensemble ng University of the Cordilleras, 2nd Place ang Uggayam Turayan Cultural Group at 3rd Place naman ang Labban di E-lagan Indigenous Peoples Organization, Lagan, Sabangan, Mountain Province.

Samantala, para sa festival dance category ay nanalo naman ang Saint Louis University Baguio City, 2nd place ang Tribu Rizal, Rizal National School of Arts and Trades, Rizal Kalinga at 3rd Place naman ang University of the Cordilleras, Baguio City.

Ang nasabing pagdiriwang ng Panagbenga Festival ay inaasahang magtatapos sa Marso 5, 2023.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles