20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

30 drug personalities, nagtapos sa 18-Month Aftercare Program sa Ifugao

TINOC IFUGAO – Ginanap ang ikalawang graduation ceremony ng mga recovered drug personalities na sumailalim sa Aftercare Program ng gobyerno sa Municipal Gymnasium, Poblacion, Tinoc, Ifugao, noong Miyerkules, ika-2 ng Marso taong kasalukuyan.

Nagtapos ang 30 recovered drug personality sa naturang programa sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng local ng pamahalaan Tinoc at suporta mula sa provincial office ng Ifugao.

Dinaluhan ng Provicial Director, Police Col. James D. Mangili, Ifugao Police Provincial Office bilang pangunahing pandangal kasama si Provincial Governor Jerry Dalipog at mga elected officials ng Tinoc sa pangunguna ni Mayor Samson C Benito, kinatawan ng PDEA, DILG, PSWDO at BADAC.

Ang Aftercare Program ay naglalayong tulungan ang mga drug dependent person na makapagbagong buhay kung saan sila ay sumailalim sa ibat ibang serye ng paggagamot at rehabilitasyon.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni PCol. Mangili ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nagkaisa upang isulong ang matagumpay na programa para matulungan ang mga drug dependent na gustong makapag bagong buhay.

“Recovery is not for the people who need it, it’s for the people who want it. Though no one can go back and make a brand new start, anyone can start from now and make a brand new ending,” mensahe ni  PCol Mangili.

Kanya ring pinuri ang mga nagtatapos sa programa sa kanilang matapang na desisyon na sumailalim sa rehabilitasyon program ng gobyerno at sa kanilang pagpili sa magandang buhay na wala ang droga.

Hinimok din nya ang mga iba pang gumagamit at nalulong sa droga na bukas ang pamahalaan at programa ng gobyerno para sila ay tulungan na malampasan ang adiksyon sa nakamamatay na droga.

###

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles