Pinasinayaan ang tatlong proyekto sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Bauko, Mt. Province nito lamang Hunyo 19, 2023.
Ang aktibidad ay dinaluhan nina Congressman Maximo Y Dalog Jr., Governor Bonifacio C. Lacwasan Jr., mga Board Members, Bauko Officials sa pamumuno ni Mayor Randolf T. Awisan, mga kinatawan ng DILG-Mt. Province, Mt. Province PNP at mga local officials at community members.
Tampok sa aktibidad ang blessings and ribbon cutting ng tatlong proyekto; Improvement/Rehabilitation/Upgrading of Bagnen Oriente Proper Road, Improvement/Rehabilitation/Upgrading of Bagnen Oriente-Bagnen Proper-Balintuagab Road at Improvement/Rehabilitation/Upgrading of Bagnen Oriente-Bagnen Proper-Balintuagan-Maket-an Road.
Dagdag pa sa aktibidad ang signing, turn-over of documents at blessing ng mga nasabing proyekto.
Ang SBDP project ay alinsunod sa Government’s Whole of the Nation Approach para pagtibayin ang kampanya kontra insurhensiya sa bawat probinsya.