Tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa City of Malolos, Bulacan nito lamang Linggo, ika-29 ng Oktubre 2023.
Kinilala ang sumuko na sina alyas “Ka Precious”, 22 anyos; “Ka Regine”, 43 anyos; at alyas “Ka Johnssel”, 28 anyos.
Ang tatlong NPA members ay miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan.
Napag-alaman na isinuko rin ni “Ka Johnssel” ang kanyang armas na isang caliber 38 smith and Wesson revolver, tatlong bala, damit at watawat ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Patuloy ang pamahalan sa panawagan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kapiling ang kanilang sariling pamilya.