Ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang tatlong motorized Banca sa Local Government Unit ng Danac, Sugpon, Ilocos Sur nito lamang Miyerkules, Mayo 25, 2022.
Ang proyektong ito ay naipatupad sa ilalim ng sub-project Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) Additional Financing Modality ng DSWD Field Office 1.
Ang tatlong bangka ay mananatili sa pangangalaga ng Barangay Danac, Sugpon, Ilocos Sur na gagamitin lamang sa panahon na tumaas ang lebel ng tubig sa ilog o sa tuwing bumaha sanhi ng bagyo para sa kaligtasan ng mga residente.
Ito ay dinaluhan ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng nasabing barangay at mga community volunteer sa nasabing lugar.
Kabilang din sa naging aktibidad ang pagsasagawa ng Barangay Accountability Reporting upang mailahad kung paano nagagamit nang wasto ang pondo ng nasabing proyekto.
Malaking tulong ito sa mga residente ng nasabing barangay upang sila ay makalikas lalo sa panahon ng sakuna.
Source: DSWD Field Office 1