Ipinagdiriwang ng mga residente ng Sabangan, Mountain Province ang tatlong araw na Gagayam Festival na nasimulan nito lamang ika-20 ng Marso 2023.
Pinangunahan ito ng mga residente ng nasabing lugar katuwang ang Sabangan PNP, stakeholders, mga opisyal ng barangay at iba pang mga nakilahok.
Kasama sa mga bumisita ay si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go at Undersecretary of the Department of Health, Dr. Enrique A. Tayag bilang Guest of Honor and Speakers.
Ang mga kaganapan sa nasabing pagdiriwang ay ang Binibining Sabangan 2023 Coronation Night, Children’s Day, Cultural Presentation o Cultural Dance, Indigenous Literacy Musical Showdown, at Sabangan Got Talent.
Ang nasabing pagdiriwang ay may temang “Moments of the Rekindling, Reliving and Enriching Our Cultural Practices Leading Us Onward as One”.