23.3 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

3-Day Bonsai Festival, tampok sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya

Ang Nueva VizKawa Wellness Farm kasama ang Nueva Vizcaya Bonsai and Suiseki Society (NVBASS) at Bonsai and Suiseki Association of Vizcaya (BSAV) ay nagtampok ng tatlong araw na Bonsai Festival sa Barangay Magapuy, Bayombong simula noong Disyembre 8, 2022.

Pinangunahan nina NVizKawa Wellness Farm Proprietor Atty. Leonardo Perez, Provincial Tourism and Culture Officer Marichelle O. Costales, at NVBASS Vice President, ang pormal na pagbubukas ng eksibisyon na ipinagmamalaki ang iba’t ibang mga puno ng bonsai.

Ang pinakalayunin ng pagpapalaki ng Bonsai ay ang lumikha ng miniaturized ngunit makatotohanang representasyon ng kalikasan sa anyo ng isang puno.

Ang Bonsai Festival ay dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng NVBASS at BSAV, Bonsai Masters, at mga Mahilig sa bonsai tree mula sa Munisipyo ng Bagabag, Santa Fe, Aritao, at Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang eksibisyon ay nagtapos noong Linggo, Disyembre 11, 2022.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles