16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

3 dating rebelde na sumuko sa pamahalaan ng Benguet nakatanggap ng Financial Assistance

Nakatanggap ng financial assistance ang tatlong dating rebelde na sumuko sa pamahalaan ng Benguet sa Governor’s Office, Benguet Provincial Capitol nito lamang Hunyo 21, 2022.

Ang mga tatlong dating rebelde ay mula sa probinsya ng Kalinga at ang isa naman ay mula sa Cavite.

Ito ay alinsunod sa Enhance Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan.

Ang aktibidad ay nasaksihan ng mga kinatawan ng Benguet Police Provincial Office, Benguet Police Community Affairs Development Unit, Benguet Provincial Intelligence Unit, 7ID, 702 Brigade, outgoing at incoming director ng DILG Benguet, Benguet Governor’s Representative at mga media personnel.

Laking pasasalamat ng mga tatlong dating rebelde sa PNP at sa Benguet Governor’s Office dahil sa kanilang natanggap.

Kanila rin ipinahayag ang kanilang taos pusong pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan kontra ilegal na droga at terorismo.

Ang ECLIP ay isang programa ng pamahalaan kung saan ay nakapagbigay tulong sa mga nagbalik-loob sa gobyerno upang makapagsimula ng panibagong buhay at makapamuhay ng maayos at payapa kapiling ang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles