19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

3 CTG members, sumuko sa gobyerno ng Nueva Ecija

Sumuko sa gobyerno ng Nueva Ecija ang tatlong miyembro ng Counter Terrorist Group noong Abril 28, 2022.

Ang mga sumuko ay dating aktibista mula sa Barangay ng San Jose at Aquino at Barangay San Eustacio at dating sumusuporta kay Nicomedez Ortiz aka Dagohoy Command.

Sumuko ang mga miyembro sa Barangay San Eustacio, Aliaga, Nueva Ecija sa isinagawang Special Intelligence Operations ng 1st Provincial Mobile Force Company, Aliaga Police Station at 84th Infantry Battalion.

Nanumpa at nangako ang mga sumuko na tatalikuran na ang maling ideolohiya ng mga teroristang grupo at susuporta sa mga programa ng gobyerno.

Nakahanda na ang mga nagbalik-loob na sumailalim sa debriefing at pagkakalap ng mga impormasyon na makakatulong sa mga gagawin pang operasyon ng gobyerno.

Layunin nitong ipamulat sa kanila ang mga programa ng gobyerno, ng pagkakataong mabago ang kanilang buhay at itama ang mga pagkakamaling kanilang nagawa dahil sa panlilinlang ng makakaliwang grupo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles