17 C
Baguio City
Sunday, September 29, 2024
spot_img

3 CTG members, patay sa sagupaan laban sa mga militar sa Cagayan

Namatay ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa limang minutong sagupaan laban sa mga militar sa Maguilling, Piat, Cagayan noong Abril 14, 2022.

Kinilala ang tatlong miyembro ng CTG na sina alyas Kiko, pinuno ng Regional Organizing Department (ROD), Kilusang Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV); alyas Aldo, miyembro ng Giyang Pampulitika/Kilusang Larangang Guerilya (GPKLG) West, Komprob Cagayan, Kilusang Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV); at alyas Tiyung, Medics s5, KLG West, Komprob Cagayan.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang cal. 45 pistol, isang hand grenade, isang backpack na naglalaman ng isang lenovo laptop na may Charger, isang Cherry mobile smart phone, isang USB at mga personal na gamit, isang backpack na naglalaman naman mga medical supplies (mga 12 syringe, 3 IV fluid, bendahe, 30 gauze pad, atbp) at mga subersibong dokumento na inulat na may “high intelligence value”.

Ang mga labi ng tatlong namatay na miyembro ay naiuwi na sa kani-kanilang pamilya para mabigyan ng maayos na libing.

Nagpahayag ng pakikiramay ang militar at pulisya sa mga pamilya ng mga napatay na CTG members at hinikayat ang mga natitira pang nasa kaliwang grupo na sumuko na para mamuhay ng mapayapa at maayos kapiling ang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles