16 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

3 CTG members, boluntaryong sumuko sa Tabuk City, Kalinga

Boluntaryong sumuko ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Kalinga PNP sa Camp Captain Juan M Duyan, Bulanao, Tabuk City, Kalinga nito lamang Huwebes, Disyembre 15, 2022. 

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Landing” at alyas “Joker/Diwa”, pawang dating miyembro ng CTG at Militia ng Bayan (MB)/NPA sa Barrio sa ilalim ng Lejo Cawilan Command, Kilusang Larangang Guerilla (KLG)-Baggas at si alyas “Omar/Dante”, na nakalista sa Periodic Status Report on Threat Groups (PSRTG) ng Komiteng Distrito 1 at Order of Battle (OB).

Kasabay ng pagsuko ng tatlong rebelde ay ang pagturn-over ng kanilang mga armas kabilang ang isang homemade shotgun long barrel na may isang gauge, 12 ammunitions, isang caliber 22 magnum, Smith & Wesson na may apat na bala, at isang unit cal. 30 U.S carbine na may isang magazine at dalawang bala.

Samantala, sumuko ang tatlong dating miyembro ng CTG sa kadahilanang gustong makasama ang kanilang pamilya at maging isang mamamayan na walang ibang hangad kundi ang kapayapaan sa ating inang bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles