15.1 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

2nd Kini-ing Festival, ipinagdiwang sa Tuba, Benguet

Masayang ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Taloy Sur, Tuba, Benguet ang Kini-ing Festival na may temang “Creating Meaningful Connections to People and Environment” nito lamang ika-28 ng Enero 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng La-diyang Haven Community Association ng Tuba at dinaluhan ng mga mamamayan ng Tuba at ng karatig na munisipalidad.

Tampok sa aktibidad ang iba’t ibang uri ng pagkain gaya ng Mushroom Kini-ing Bread, Native rice na may Kini-ing Delights (Kini-ing Pork Sausage, chicken at rabbit), Ava na may Kini-ing Empanada, kamote at iba’t ibang sariwang gulay.

Dagdag pa dito ang naggagandahang tanawin na taglay ng Tuba gaya ng Turod di Kalamiisan Farm, Toking Sab-atan, Demang, Galwan Binanga Garden, Lagdao, Shangphil, Castiels Ground, Kayagud, Pikawan at La-Diyang Haven Garden.

Ang Kini-ing Festival ay ipinagdiriwang ng naturang asosasyon bilang pasasalamat sa mga biyaya na kanilang natatanggap at sa patuloy na pagdami ng kanilang mga alagang baboy, rabbit, manok, ganundin ang kanilang mga pananim na gulay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles