Nagsagawa ng 2nd Bloodletting Activity ang mga kasundaluhan ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army sa Covered Court ng Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija nitong Hunyo 12, 2022.
Ang aktibidad ay kasabay sa pagdiriwang ng ika-124 Araw ng Kalayaan na pinangunahan ni Major General Andrew D Costelo.
Ito ay may temang “Dugong Alay ng KAUGNAY, Dugtong ng Inyong Buhay”.
Katuwang sa aktibidad ang Dugong Alay, Dugtong Buhay Incorporated (DADBI) sa pangunguna ng kanilang president na si MV Gallego ng Cabanatuan City General Hospital; Tondo Medical Center, Kaugnay Media Defense Corps lnc o ang KMDCI sa pangunguna naman ni DWAY 1332khz Sonshine Radio Cabanatuan Manager Jordan Donato B llustre, Napoleon Marilag at iba pang ospital at mga stakeholders.
Pinahayag din ni MGen Costelo ang kanyang lubos na pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa aktibidad at kanya ding iniulat muli na magkakaroon din ng kaparehong aktibidad pagkatapos ng tatlong buwan ngayong taon.
Higit 900 na bag ng dugo ang nakolekta sa pagtapos ng aktibidad.
Ang pagbibigay ng dugo ay isang marangal na gawain na maaaring makapagsalba ng buhay. Nawa’y mas madami pa ang makikilahok sa mga ganitong aktibidad ng sa ganun ay mas madami pang buhay ang madugtungan.