16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

280 Internally Displaced Persons sa Bangar, La Union, nakatanggap ng tulomg mula sa DSWD

Masaya at puno ng pasasalamat ang 280 internally displaced persons (IDPs) na kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation center (EC) ng Bangar, La Union matapos silang tumanggap ng Family Food Packs (FFPs) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 – Ilocos Region.

Kasama ng mga Angels in Red Vests ng DSWD Ilocos Region sa pamamahagi ng tulong ang Gobernador ng La Union na si Gov. Raffy Ortega-David. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.

Bukod sa bayan ng Bangar, tinungo rin ng grupo ang iba pang evacuation centers sa mga bayan ng Sudipen, Balaoan, Bacnotan, at Bauang upang mamahagi ng karagdagang tulong sa mga IDPs.

Inaasahan ding magpapatuloy ang relief efforts ng DSWD, sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of La Union, upang maabot ang mga IDPs na nasa mga evacuation centers ng Rosario, Sto. Tomas, Agoo, Aringay, at Caba. Ang hakbang na ito ay layuning matiyak na makatatanggap ng sapat na suporta ang bawat pamilyang naapektuhan ng sakuna.

Patuloy namang umaasa ang mga evacuees na magbabalik sa normal ang kanilang pamumuhay sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan at ng lokal na pamahalaan ng La Union.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles