17.7 C
Baguio City
Saturday, May 3, 2025
spot_img

28 Magsasaka ng gulay sa Iguig, Cagayan, nakapagtapos ng FFSSL training sa Cagayan Farm School

Matagumpay na naisagawa ang seremonya ng pagtatapos ng 28 magsasaka sa kanilang Farmers Field School Season-Long (FFSSL) Training sa vegetable production sa Cagayan Farm School and Agri-Tourism Center, Anquiray, Amulung, Cagayan nito lamang ika-29 ng Abril 2025.

Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Provincial Government of Cagayan (PGC) kasama si James Balubal, Municipal Agriculturist ng Iguig, at ilang empleyado ng OPA.

Ayon kay Engr. Arsenio Antonio, Acting Provincial Agriculturist ng PGC na ang FFSSL training ay isinagawa sa loob ng apat (4) na buwan na nagsimula noong Enero hanggang Abril 2025.

Layon aniya ng pagsasanay na maipakita, magamit, at matuto ang mga magsasaka sa makabagong teknolohiya at pamamaraan ng pagtatanim ng mga gulay tulad ng seedling trays, hand driven rotavator, mechanical bedder, mechanical plastic installator, at iba pang paraan.

Bahagi ng pagtatapos ang paggawad ng Certificate of Training, medalya sa mga Top Performing Participants, at token na assorted vegetable seeds.

Dagdag pa ni Engr. Antonio na ang training ng vegetable farmers sa Farm School ay bilang tulong ng PGC sa adhikain ni Governor Manuel N. Mamba na maihanda ang mga magsasakang Cagayano para sa planong masimulan ang International Gateway Project sa Cagayan.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles