23.8 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

28 Cordillerans nagtapos sa PNPA

Nagtapos ang 28 Cordillerans na kabilang sa 208 miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) MASIDTALAK (Maaasahang Lingkod ng Inang Bayan na may Karangalan at Katapatan na ang Layunin ay Kapayapaan) Class of 2023 sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite nito lamang Marso 10, 2023.

Kinilala ang anim na mula sa Benguet, na sina Revy Dean Basalan, Calvin Mondero, Prinzel Donguis, Jounard Alapang, Javier Asiong, Norman Asing Luis; tatlo ay mula sa Baguio City na sina Maverick Allan Canlas, Haison Piggangay, Seal Bantag; tatlo mula sa Ifugao, na sina Brett Dales Maslang ,Yuri Limbawan, Jeric Balallo; anim mula sa Kalinga na sina, Ashley Nick Edduba, Tekson Liddawa, Eriq Omawis, Jeneva Rose Bucalen, Stephen Palicas, Job Angli; pito mula sa Mountain Province na sina Justin Paul Ducay , Kyle Lumiwes , Edgar Lagget, Jr., Ulysses Loy-od, Andrei Juhne Guimte, Keith Bolinget, Mark Dominick Astudillo; at dalawa mula sa Abra, na sina Kenneth Jay Tul-ing, Junalyn Ordoñez at dalawa naman mula sa Apayao na sina Junalyn Ordoñez, at Adrian Tapiru.

Tumanggap naman si Norman Asing Luis mula sa Kapangan, Benguet ng NAPOLCOM Kampilan Award para sa pagpapamalas ng mga natatanging responsibilidad bilang Class President.

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ika-44 na Commencement Exercises ng “Masidtalak” Class of 2023 ng Philippine National Police Academy.

Samantala, hinimok ni PBBM na maging ahente ng hustisya at maglingkod na may ‘high moral integrity’ ang mga kadeteng nagtapos sa PNPA.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles