Nasa 274 na magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa Narvacan, Ilocos Sur ang nakinabang sa programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Personal na tinanggap ng mga magsasaka ang kanilang Php4,000 na kinita para sa sampung araw na pagtatrabaho mula sa mga kawani ng DOLE Provincial Office sa pangunguna ni Ms. Charity Ublas.
Bukod sa kanilang Php4,000 na suweldo, naka-enroll din sila sa isang taong insurance sa GSIS, at nabigyan pa ng personal protective equipment (PPE) na gagamitin sa kanilang trabaho.
Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program ay ipinatutupad ng DOLE sa lalawigan ng Ilocos Sur sa inisyatibo ni Deputy Speaker Kristine Meehan.
Pinangunahan ni Narvacan Mayor Sanidad ang pagpasalamat sa DOLE at Deputy Speaker Meehan sa kanilang napakalaking tulong sa mga residente ng Narvacan na dumanas ng sunud-sunod na kalamidad.
Source: Narvacan Naisangsangayan
Panulat ni Malayang Kaisipan