16.5 C
Baguio City
Saturday, June 7, 2025
spot_img

27 kaso ng HIV, naitala sa Baguio mula Enero hanggang Marso

Umabot sa 27 ang naitalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa lungsod ng Baguio mula Enero hanggang Marso 2025.

Batay sa ulat ng Baguio City Health Services Office (CHSO), mula kay Celia Flor Brillantes, Hepe ng CHSO, inihayag niyang ang pinakabatang pasyente na nagpositibo sa naturang virus ay 15 taong gulang.

Karamihan sa mga bagong kaso ay pawang mga lalaki.

Binigyang-diin din ni Dr. Brillantes, na patuloy ang pagtaas ng kaso ng HIV hindi lamang sa Baguio, kundi maging sa buong rehiyon ng Cordillera.

Dahil dito, muling nananawagan ang Baguio CHSO sa publiko na maging maingat at ugaliin ang paggamit ng mga proteksyon gaya ng condom upang makaiwas sa impeksyon.

Dagdag pa na kasalukuyang nagsasagawa ng iba’t ibang hakbang ang mga kinauukulang tanggapan upang mapigilan ang patuloy na pagdami ng mga kaso ng HIV sa lungsod.

Kabilang sa mga pangunahing sintomas ng HIV ang madalas na lagnat, panunuyo ng balat, pangangati, at iba pang senyales ng mahinang resistensya.

Ang HIV ay isang virus na pangunahing naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa maraming indibidwal, lalo na kung walang sapat na proteksiyon. Maaari rin itong maipasa kahit pa walang nakikitang sintomas ang isang tao.

Pinaalalahanan ng mga eksperto ang publiko na agad na magpatingin sa mga health center kung may nararamdamang kakaiba sa kalusugan, at huwag matakot magpasuri upang maagapan ang anumang sakit.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles