19.2 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

254 Kasambahay, nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Bayan ng Dupax Del Norte Nueva Viscaya

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga residenteng nagtatrabaho bilang mga kasambahay o domestic worker para madagdagan ang kanilang kita mula sa Local Government Unit ng Dupax Del Norte, Nueva Viscaya noong ika-2 ng Pebrero 2024.

May kabuuang 254 na ‘Kasambahay’ o domestic worker ang nabigyan ng tig-P1,000.00 sa pamamagitan ng localized ‘Kasambahay’ Ordinance na inakda ni Councilor Paulo Cayton at inaprubahan ng Sangguniang Bayan noong 2020.

Ang paunang tulong pinansyal ay ibinigay sa pagsasagawa ng Araw ng ‘Kasambahay’ sa Municipal Gymnasium sa bayang ito. Pinangunahan ni Mayor Timothy Cayton, kasama si Vice Mayor Victorino Prado at mga Municipal Councilors ang pamamahagi ng tulong pinansyal.

Sinabi ni ‘Kasambahay’ Norma Gutierres, 76 taong gulang ng barangay Malasin na malaking tulong ang ibinigay ng LGU para sa kanila bilang mga low-income earners. “Sana madagdagan pa ang tulong na ito para mas ma-enjoy natin ang mga benepisyo nito,” ika niya.

Samantala, sinabi ni Councilor Cayton na ang ordinansa ay naglalayong tulungan ang mga domestic worker sa pamamagitan ng pagpapalaki ng kanilang kita at pag-angat ng kanilang kalagayan bilang mahalagang sektor ng kanilang komunidad. “Sa ordinansang ito, iniaangat natin ang kalagayan ng ating mga kasambahay at binibigyang kapangyarihan sila bilang prayoridad na sektor ng ating munisipalidad dahil kayo ang buhay ng mga pamilyang Pilipino.

We are also working to provide ‘Kasambahay’ Desk through the Municipal Social Welfare and Development Office,” dagdag nito.

Sinabi ni Cayton na tutugunan ng ‘Kasambahay’ Desk ang iba’t ibang isyu at alalahanin ng mga domestic worker lalo na sa awareness campaign sa kanilang mga karapatan at pribilehiyo sa ilalim ng ‘Kasambahay’ Law.

Source: PIA NUEVA VISCAYA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles