Nagbigay ng suporta ang Provincial Government ng Apayao para sa 250 bedridden senior citizens na idinaos sa Luna, Flora, Pudtol, at Santa Marcela, Apayao nito lamang ika 4-5 ng Hulyo, 2024.
Batay sa ulat, ang aktibidad ay matagumpay na isinagawa ng Provincial Social and Welfare Development Office sa pamamagitan ng house-to-house distribution.
Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng mahahalagang kagamitan upang mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng Senior Citizen Pack na naglalaman ng isang (1) kilong oatmeal, 700 gramo ng adult powdered milk, isang (1) kilong powdered chocolate drink, 10 medium-sized adult diapers, at isang malaking plastic bag. Ang kabuuang halaga ng mga suplay na ito ay umabot sa Php346,350.
Dagdag pa rito, ang mga senior citizen ay umaasa sa isang average na buwanang grant na Php500 mula sa government social security na malaking tulong sa kanilang gastusin sa pang-araw-araw.
Ang tulong na ibinigay ng Provincial Government ng Apayao ay direktang tinutugunan ang mga kritikal na pangangailangan at tinitiyak ang mga pinakamahina na miyembro ng komunidad ay makakatanggap ng kinakailangang suporta.