Matagumpay na nagtapos sa 18-Day Small Engine Servicing Training ang 25 Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Ifugao District Jail, sa Kiangan Ifugao nito lamang ika-1 ng Hunyo 2024.
Ang naturang training ay isinagawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Ifugao District Jail.
Sa seremonya ng pagtatapos ng nasabing training, binati nang pangunahing pandangal na si Engineer Eduard Tamayo ang mga PDL na nagsipagtapos at kanyang hinimok na ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay sa iba’t ibang larangan ng kahusayan sa kabila ng kanilang kalagayan.
Samantala, nagpasalamat naman ang mga PDL kay Mr. Gaspar Nawew na nagsilbing guro at gabay sa kanilang pagsasanay, at sa mga tauhan ng IDJ at TESDA sa pagkakataong inilaan ng mga ito upang sila ay matuto at maging produktibo.
Ang pagsasanay ay nagbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga PDL na sa kanilang paglaya ay mayroon silang kahusayan na maaaring magamit sa paghahanap ng trabaho at pangkabuhayan sa kanilang pagsisimula ng panibagong buhay.