14.8 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

25 na magsasaka sa bayan ng Pangasinan, sumailalim sa Farm Business School Project ng DAR

Panibagong batch ng magsasaka na binubuo ng 25 agrarian reform beneficiaries ang natututo ng kasanayan sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng Farm Business School Project ng Department of Agrarian Reform (DAR) nitong ika-18 ng Setyembre 2023.

Ayon kay Romeo Lopez, Farm School owner, sinasanay ang mga magsasaka-kalahok na magnegosyo sa labas ng pagsasaka at pagbutihin pa lalo ang kanilang kasanayan sa pagsasaka at pagyamanin ang kanilang kita.

Karamihan sa mga benepisyaryo ay miyembro ng Aliguas Dumaralos na Buenlag, Inc., isang agrarian reform beneficiaries’ organization na nakabase sa Barangay Buenlag Pangasinan, habang ang iba ay mula sa tinukoy na priority villages sa Señor Divino Tesoro Agrarian Reform Community sa bayan ng Calasiao.

Dagdag ni Lopez, na kailangang kumpletuhin ng mga magsasaka ang kabuuang 25 sesyon ng pagsasanay at isumite ang mga kinakailangan upang makapagtapos.

Ayon naman sa DAR-Pangasinan Provincial office na ang Farm Business School Project ay idinisenyo upang paunlarin ang mga kapasidad ng mga magsasaka.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles