16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

25 dating miyembro ng CTG tumanggap ng Php10K halaga ng tulong pinansyal mula sa gobyerno

Tumanggap ng tulong pinansyal ang 25 dating miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) ng Sta. Cruz, Ilocos, Sur mula sa gobyerno.

Ito ay sa pamamagitan at sa pakikipag-ugnayan ng Armed Forces of the Philippines sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 – Sustainable Livelihood Program.

Bawat isa ay tumanggap ng Php10,000 halaga ng pinansiyal na kapital para sa kani-kanilang mga napiling negosyo. Sumailalim din sila sa Social Preparation para maipaliwanag at ipaalala ang kanilang responsibilidad at kahalagahan ng nasabing proyekto ng lokal na gobyerno.

Samantala, pinaalalahanan din sila ni 2Lt May Pearl Agustin na ang pakikipagtulungan nila sa iba’t ibang ahensya ng national at local government at ng ating mga kababayang lubos na apektado ng terorismo ay upang tuluyang puksain ang mga rebeldeng grupo sa bansa.

Nagpasalamat naman ang isa sa mga naging benepisyaryo na dating miyembro ng UGMO na sa kabila ng kanilang pagkakasala sa pamahalaan ay hindi pa rin sila pinabayaan, bagkus sila ay tinutulungan para mabigyan muli ng pagkakataon na magkaroon ng maganda at tahimik na buhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles