13.9 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

248 Board feet ng mga tinistis na Narra, nasabat ng CAILTF sa bayan ng Baggao

Nasabat ng Cagayan Anti-Illegal Logging Task Force (CAILTF) ang aabot sa 248 board feet na mga abandonadong tinistis na kahoy ng narra sa bayan ng Baggao, Cagayan noong ika-5 ng Disyembre 2024.

Ayon kay Atty. Leonard Beltran, Head ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) ng Cagayan, aabot sa 28 malalaking tabla ng Narra ang nadatnan ng mga miyembro ng task force sa mabundok na bahagi ng Barangay C. Versosa sa naturang bayan.

Aniya, hinihintay na lamang ngayon ang resulta ng ginawang pagsusuri ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang matukoy ang kabuuang halaga ng mga narekober na kontrabando.

Ang mga narekober na kahoy ng narra ay inimbak umano sa naturang lugar at kalaunan ay iniwan ng mga hindi na natukoy na mga indibiduwal.

Kaugnay rito, nagbabala naman ang mga otoridad sa posibleng kaso na kaharapin ng sinumang mahuhuli sa iligal na pamumutol ng mga punong kahoy at pagsira sa kapaligiran.

Binigyang-diin pa ni Atty. Beltran na ang mas pinaigting na paglulunsad ng mga miyembro ng task force ng anti-illegal logging operation ay upang mabantayan at mapangalagaan ang likas na yaman ng probinsya mula sa pang-aabuso.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles