16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

243 Startroopers ng Philippine Army nagtapos ng Candidate Soldier Course sa Isabela

Matagumpay na nagsipagtapos sa anim na buwang Candidate Soldier Course cross-trained with Infantry Orientation Course ang 243 bagong miyembro ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa 5th Division Training School, Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela nito lamang Martes, Mayo 16, 2022.

Kabilang dito ang 126 na miyembro ng MAKISIG ALAB Class 692 kung saan nanguna sa kanilang klase si Private Michael L Agonoy mula San Mariano, Isabela matapos makakuha ng general average na 93.14%. Nakuha naman ni Private Rufino B Dinulong ng Tanudan, Kalinga ang Tarzan Award para sa kanilang klase.

Samantala, 117 naman sa mga bagong sundalo ay kabilang sa SANIB LAHI Class 693 kung saan nagtapos bilang Top 1 ng klase si Private Jonathan M Banggot mula Paracelis, Mt. Province na may general average na 91.34%. Si Private Ryan D Arias ng Pinukpuk, Kalinga naman ang nakasungkit ng Physical Fitness Proficiency (Tarzan) Award.

Sumailalim ang mga bagong sundalo sa matinding pagsasanay upang maging mahusay at disiplinadong miyembro ng 5th Infantry “Startroopers” Division.

Nagsilbing keynote speaker sa pagtatapos ang Commander ng 5th ID na si Major General Laurence E Minam kung saan pinaalalahanan niya ang mga bagong miyembro ng kanilang hanay na isabuhay ang mga prinsipyong pinaniniwalaan at pinahahalagahan ng kanilang pamunuan, ang pagiging tapat sa tungkulin at pagpapakita ng kahusayan sa lahat ng gampanin.

Source: 5th Infantry Division, Philippine Army

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles