Lumapag na sa Basco, Batanes nitong Agosto 7, 2022 at nakaimbak na sa Logistics Hub ng probinsya ang karagdagang Family Food Packs na nagmula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 2.
Sa kabuuan, 2,422 FFPs na ang naipadala ng nabanggit na opisina upang magamit ng nasabing probinsya kung sakaling may mga darating na sakuna o kalamidad.
Matagumpay na nahakot ang mga food packs dahil sa bayanihan ng Pambansang Pulisya, Philippine Navy, Philippine Marines, Philippine Army, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga opisyales ng Batanes sa DSWD FO 2 dahil sa kabila ng distansya ng kanilang probinsya ay pilit nila itong inabot upang masiguro na may sapat itong FFPs na agarang maibibigay sa mga mamamayan sa oras ng pangangailangan.
Source: Provincial Government of Batanes