16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

240 Food packs ipinamahagi ng PARDDS FII sa mga biktima ng 7.3 magnitude na lindol sa Suyo, Ilocos Sur

Suyo, Ilocos Sur – Namahagi ng 240 food packs ang Public Assistance for Rescue Disaster and Support Services Foundation International Incorporated o PARDDS FII sa mga biktima ng 7.3 magnitude na lindol sa Brgy. Poblacion, Suyo, Ilocos Sur nitong ika-3 ng Agosto 2022.

Ang PARDDS FII ay isang kilalang non-government organization ng Police Community Affairs and Development Group sa pangunguna ng kanilang presidente na si Ma’am Arcie Fabon, PCADG Ilocos Region personnel sa pamumuno ng kanilang Officer-In-Charge na si Police Lieutenant Colonel Dexter Mariano Paredes, 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company, at ng Suyo Municipal Police Station.

Mahirap man ang daanan patungo sa nasabing lugar dahil sa mga landslides dulot ng mga magkakasunod na aftershocks at malakas na ulan, hindi ito naging hadlang para ang tulong na kinakailangan ay maihatid sa ating mga kababayan.

Source: PCADG Ilocos Region

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles