Sumailalim sa isang araw na pagsasanay ng hydroponics at aquaponics system ang 24 Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Sta. Teresita, Cagayan noong ika-13 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan naman ni Ms. Pearlita P. Mabasa, Provincial Agriculturist ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, ang pagsasanay kasama ang ilang empleyado ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).
Ang nasabing pagsasanay ay para matuto ang mga PDL sa pagtatanim ng mga iba’t ibang klase ng gulay at mga halamang gamot na maaaring buhayin gamit ang tubig lamang na maaari pang sabayan ng pag-aalaga ng isda tulad ng tilapia o ang tinatawag na aquaponics.
Ang hakbang na ito ay maaari umanong maging isa rin sa mapagkakakitaan ng mga PDL ng BJMP Sta. Teresita maliban pa sa paggawa ng iba’t ibang handicrafts tulad ng mga dekorasyon ngayong holiday season.
Source: CPIO