Mismong si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang humarap sa delegasyon ng Presidential Trade and Investment ng Estados Unidos, bilang katuparan ng napagkasunduan ng dalawang bansa kasunod ng pakipagpulong ng Pangulo kay US President Joe Biden noong Mayo nang nakaraang taon.
Ayon sa Pangulo, naglaan umano ang naturang mga American investors ng bilyon-bilyong dolyares para ipamuhunan dito mismo sa bansa.
Ilan sa mga sektor na maaaring lalago sa nasabing proyekto ay ang mga sektor ng imprastraktura, patubig at agrikultura, kalusugan at digital connectivity na tiyak na maglilikha ng maraming oportunidad para sa mga manggagawang Pilipino.