22.5 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

21 Dating miyembro ng CTG sa Lalawigan ng Cagayan, nagbalik-loob at nanumpa ng kanilang “Oath of Allegiance” sa gobyerno

Nanumpa ang 21 na dating miyembro ng Communist Party of the Philippines- New Peoples Army (CPP-NPA) na nagbalik-loob sa pamahalaan sa lalawigan ng Cagayan nitong Biyernes, Hunyo 02, 2023.

Pinangunahan ang seremonya ni Cagayan PTF-ELCAC Chair, Governor Manuel N. Mamba, kasama si LtGen Fernyl Buca, PAF – Commander, Northern Luzon Command, AFP at MGen Audrey Pasia PA, Commander, 5th Infantry Division, na ginanap sa Sub-Provincial Capitol, Bangag, Lal-lo, Cagayan.

Kabilang sa mga nagbalik-loob ang dalawang mataas na opisyal ng East Front ng Komiteng Probinsya ng Cagayan na si Cedric Casaño at  Patricia Nicole Cierva na dating Political Guide at Secretary ng kilusan.

Galing naman sa ibang mga bagyan katulad ng Baggao at Allacapan ang ibang mga rebelde na nagbalik-loob kabilang na ang isang siyam na buwang buntis at ang asawa ng napaslang na si Ka Morga.

Bukod sa mga nagbalik-loob ay iprinisinta rin ang mga matataas na kalibre ng baril katulad ng M16 rifle na kasama ng mga dating rebelde sa pagsuko.

Sa mensahe ni Gov. Mamba, muli niyang iginiit na “good governance” ang solusyon sa insurhensiya sa bansa. Hindi rin umano solusyon ang armadong pakikibaka sa pagtaguyod ng tamang paggogobyerno. Nakiusap rin ito sa mga ahensya ng pamahalaan na gawin ang nararapat na serbisyo at trabaho bilang tugon sa ginawang pagsuko ng mga dating rebelde.

Samantala, isa-isa ring tinanong ng ama ng lalawigan ang mga natapos sa pag-aaral ng mga nagbalik-loob at nangakong magbibigay ng trabaho para sa mga ito.

Nakasama rin sa aktibidad ang mga representante ng DILG, NICA, TESDA, DA, at PNP.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles