21.6 C
Baguio City
Saturday, November 16, 2024
spot_img

2024 Census of Population and Community-Based Monitoring System, inilunsad

Pormal nang inilunsad ang 2024 POPCEN-CBMS ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region 02 sa SM City Tuguegarao nitong ika-15 ng Hulyo 2024.

Ang 2024 POPCEN-CBMS ay isang inisyatibo ng pamahalaan sa pangunguna ng PSA upang gawing mas epektibo ang pagtugon ng pamahalaan na maibsan ang kahirapan, at tiyakin ang ekslusibong pag-unlad ng ating ekonomiya.

Ito ay gagamitin upang malaman kung sino ang mga kwalipikado para maging benepisyaryo ng mga social protection programs.

Ayon kay Engr. Girme M. Bayucan, OIC-PSA RSSO II, ang Regional Press launch ng 2024 POPCEN-CBMS ay magsisilbing daan tungo sa isang matagumpay na pagpapatupad nito sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang stakeholders, National Government Agencies (NGAs), Local Government Units (LGUs), academe, Non-Government Organizations (NGOs), private sectors, at ang komunidad para sa matiwasay na pagkalap ng datos sa mamamayan ng Rehiyon Dos.

Sa nasabing paglulunsad, nagpahayag ng pagsuporta ang iba’t ibang mga NGA gaya ng National Economic Development Authority (NEDA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Layunin nitong hikayatin ang bawat mamamayan na makipagtulungan at maging tapat sa kanilang mga kasagutan sa mga magtutungong enumerator sa kanilang mga tahanan para makakalap ng tamang datos.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles