12.5 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

2022 LGU Olympics sa Alaminos City, Pangasinan, pormal nasinimulan

Pormal nang sinimulan ang pagbubukas ng tunggalian ng mga lingkod-bayan ng lungsod ng Alaminos City sa larangan ng sports na ginanap sa Alaminos City Sports Complex nito lamang Oktubre 01, 2022.

Ang 2022 LGU Olympics ay isa lamang sa programa ng pamahalaang lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng City Sports Development Office na pinamumunuan ni CGDH-I Cloyd Peter Lalas, na naglalayong mapatibay ang samahan, pagkakaibigan at mai-balanse ng tama ang buhay, trabaho at pamilya ng bawat kawani ng ating lungsod.

Ayon sa aktibidad, binigyang-diin ni Mayor Arth Bryan Celeste ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikipagkaibigan sa mga empleyado na siyang pangunahing elemento sa pagkamit ng tagumpay.

Hinihikayat din niya ang lahat na magkaisa upang matupad ang iisang layunin tungo sa mas progresibong lungsod ng Alaminos City, Pangasinan.

Bahagi ng aktibidad ang isang dance competition na nilahukan ng iba’t ibang grupo ng LGU na binubuo ng White Slashers, Black Paladin, Red Trolls, at Blue Agila na nagpasigla sa mga tao sa kanilang kamangha-manghang presentasyon na nagpapatingkad sa pagbubukas ng Olympics ng pamahalaan.

Itinanghal ang White Slashers bilang Best Dance Group, nakuha din ng Black Paladin ang First Runner-up, Second Runner-up naman ang Red Trolls, habang Third Runner-up naman ang Blue Agila.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles