20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

2,000 Dependents ng OFWs sa Apayao, nakatanggap ng relief assistance mula sa OWWA-CAR

Nakatanggap ng relief assistance mula Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Cordillera Administrative Region ang 2,000 na Dependents ng mga Overseas Filipino Workers sa Apayao noong ika-19-20, Nobyembre 2024.

Batay sa ulat, ang inisyatibong ito ay bahagi ng komitment ng OWWA na suportahan ang mga OFWs at kanilang mga pamilya sa panahon ng krisis at sa pamamagitan ng operasyon ng tulong na ito, nais ipakita ang pasasalamat sa mga miyembro ng OWWA.

Kasama ang nakatanggap ng mga benepisaryo ang relief assistance, medical assistance, at mga bitamina mula sa OWWA-CAR.

Ang tulong ay bahagi ng mga serbisyong ibinibigay ng ahensya sa mga Overseas Filipino Workers, inilaan upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Marce habang sila ay nagpapagaling mula sa mga pinsalang dulot ng serye ng mga bagyo sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles