21.5 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

200 Scholars sa Alaminos City, nagtapos sa kursong Pest and Nutrient Management

Nasa Dalawang 200 Trainees/Scholars ng Pest and Nutrient Management sa ilalim ng Rice Extension Services Program ang nagtapos sa Alaminos City Technical Vocational Institute and Assessment Center (ACTVIAC) katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nito lamang Lunes, September 23, 2024.

Iprinisenta ni ACTVIAC School Administrator/CGDH-I, CHRMO/ OIC City Administrator Emielou E. Gellado, Ed.D ang mga kwalipikadong nagsipagtapos.

Samantala, personal na kinumpirma at nagbigay ng mensahe ng pagbati at pasasalamat si City Mayor Arth Bryan C. Celeste sa lahat ng nagtapos sa pagpupursige sa kanilang pag-aaral na naglalayong mabigyan ng karagdagang kaalaman at kapasidad na magsilbing gabay para mapaunlad ang agrikultura sa Lungsod maging sa karatig lugar para sa mas masaganang ani.

Dumalo rin sina TESDA Specialist 1 Neressa Ragasa na ipinaabot ang mensahe ni TESDA Pangasinan Provincial Director James Ferrer, ACTVIAC School Board Members Marina Terrado, CGADH – I Venus N. Balgua at CGADH – I/OIC–ABE Bella C. Pasagoy.

Buong puso namang nagpasalamat ang mga nagsipagtapos sa mga nasa likod ng scholarship program na ito na isang malaking tulong para sa kanilang career development at makatulong sa pamahalaan upang mapaunlad ang agrikultura sa bansa.

Source: LGU Alaminos City

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles