17.5 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

200 na magsasaka sa Alaminos City, nakatanggap ng ‘Fertilizer Voucher’

Tumanggap ang 200 na magsasaka ng ‘Fertilizer Voucher’ ngayong ika-3 ng Marso 2023 na ginanap sa barangay Cabaroan, Alaminos City, Pangasinan.

Ang ‘Fertilizer Voucher’ ay mula sa Department of Agriculture Region I sa ilalim ng National Rice Program na ipinaabot ng City Agriculture Office sa pangangasiwa ni City Agriculturist Arceli Talania sa mga taga Brgy. Cabatuan at San Vicente sa Alaminos City, Pangasinan.

Dumalo din sa nasabing distribusyon at nagbigay ng mensahe sina Regional Executive Director Annie Bares na kinatawan ni Maria Remedios Pajaten, City Vice Mayor Jan Marionne Fontelera na kinatawan ni Executive Assistant II Hecson Lee De Vera, Board Member/City Councilor Arthur Celeste Jr., PB Rogelio Bantola na kinatawan ni Kagawad Nenita Victo at ibang kawani ng City Agriculture Office.

Sa mga susunod na araw naman ay makakatanggap din ang iba pang magsasaka.

Panulat ni Manlalakbay

Source: LGU – Alaminos

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles