Binawi ng 20 magsasaka ang kanilang suporta sa Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa Barangay Catimon, Guimba, Town, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-17 ng Abril 2023.
Sumuko ang mga tagasuporta ng teroristang grupo sa pagsisikap ng Central Luzon PNP at bilang patunay ng kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno ay lumagda ang mga ito sa Oath of Allegiance to the Government.
Patuloy ang ating pamahalaan sa paghihikayat sa mga mamamayan na magkaisa at iwaksi ang karahasang dulot ng terorismo sa bansa.