13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

20 Novo Vizcayano nakatanggap ng CLOA Titles mula sa DAR

Nakatanggap ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) titles ang 20 magsasaka at mga dating rebelde sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office Covered Court, Camp Dumlao, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Hunyo 15, 2022.

Ang pamamahagi at paggawad ng CLOA titles ay bahagi ng ika-34 na taon ng paggunita ng ahensya sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at ng 50th Anniversary ng Presidential Decree No. 27 s .1972 o Decreeing The Emancipation of Tenant from The Bondage of the Soil, Transferring To Them The Ownership Of The Land They Till And Providing The Instruments And Mechanism Therefore.

Ayon kay Engineer Rustico Turingan, Provincial Agrarian Reform officer, 109 na benepisyarong magsasaka kabilang ang mga dating rebelde ang nakatanggap ng kanilang CLOAs na sumasaklaw sa mahigit 93.7 ektarya.

Ang mga CLOA recipients ay mga miyembro ng Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) mula sa mga bayan ng Dupax del Sur, Dupax del Norte at Bagabag sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

“Ang aming ahensya bilang miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay inaatasan na maglaan ng mga lupang pang-agrikultura sa mga dating rebelde pagkatapos matukoy, masuri at mapili,” ito ang bahagi sa mensahe ni Engr. Turingan.

Source: https://pia.gov.ph/news/2022/06/16/dar-gives-cloas-to-farmers-former-rebels
Department of Agrarian Reform region 02 FB Page
Nueva Vizcaya Police Provincial Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles