Dalawampung mga nagsipagtapos sa kolehiyo ang inisponsoran ng Department of Labor and Employment (DOLE), Provincial Government of Ilocos Sur (PGIS) sa pamamagitan ni Governor Jerry Singson, at Congresswoman Kristine Singson Meehan ng Lalawigan ng Ilocos Sur upang magtrabaho sa lokal na gobyerno ng Narvacan.
Ayon kay Ginang Luisa M. Regua, Narvacan PESO Officer, ang mga benepisyaryo ng Government Internship Program (GIPs) ay mula sa DOLE.
Mahalagang bahagi ng Kabataan 2000 Program ang GIP na inilunsad ng gobyerno at sa pamamagitan ng programang ito, binibigyan ng pagkakataon ang mga nakapagtapos sa kolehiyo na makapagtrabaho upang makakuha ng karanasan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang hinaharap na karera.
Pinasalamatan naman ni Mayor Pablito V. Sanidad ang DOLE, PGIS, at si Congresswoman Singson sa pagpapatupad ng 20 GIPs sa LGU Narvacan.
Binibigyan ng prayoridad ng administrasyong Marcos ang mga programang katulad nito na naglalayong hubugin ang mga kabataan upang sila ay maging matagumpay sa kani-kanilang mga karera at upang handa na sila sa pagkakataong sila na ang magiging lider na kumonidad at bansa.
Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur