20 4Ps beneficiaries sa Rehiyon Uno ang nakatanggap ng wheelchair mula sa DSWD Field Office 1 – Ilocos Region, sa tulong ng DSWD Central Office National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB), nito lamang ika-27 ng Mayo taong kasalukuyan.
Isa sa mga nakatanggap ay si Nanay Zeny Palaganas, 75 na taong gulang, mula sa City of San Fernando, La Union. Labis ang kanyang tuwa at pasasalamat nang personal na ihatid sa kanyang tahanan ang bagong wheelchair.
Ayon kay Nanay Zeny, malaking ginhawa ito sa kanya, mas madali na raw siyang makalabas ng bahay upang makalanghap ng sariwang hangin, makihalubilo sa kapitbahay, at magpunta sa health center para sa check-up.
Ang mga benepisyaryong nabigyan ng wheelchair ay may limitasyon sa pagtupad ng kanilang gampanin gaya ng paghahanapbuhay, pag-aaral, at pakikilahok sa gawaing pangkomunidad.