Patay ang apat na tauhan ng 5th Infantry Division, Philippine Army habang apat naman ang sugatan nang tamaan ng kidlat habang nagsasagawa ng Security Operation sa kabundukan na boundary ng Western Uma, Lubuagan at Balatoc, Pasil, Kalinga, nitong Mayo 12, 2024.
Kinilala ang mga nasawi na sina Cpl Andrew Monterubio na tubong Gamu, Isabela at PFC Inmongog Aronchay mula sa Sadanga, Mt. Province habang ang mga sugatan ay sina Sgt. Dennis Bananao ng Kalinga, PFC Melvin Danggalan ng Mt. Province, PFC Abegail Awingan mula sa Pinukpuk, Kalinga, at PFC Riel Angya ng Pasil, Kalinga.
Base sa ulat, bandang 4:30 ng hapon ng Mayo 12 ay nagsasagawa ang mga hanay ng Militar ng operasyon sa naturang lugar nang biglang kumulimlim ang kalangitan na sinundan ng pagkidlat na siyang tumama at agad na ikinasawi ng dalawang sundalo habang nagresulta naman ito sa pagkakasugat ng apat pang sundalo.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng 5ID, Philippine Army at nang Lokal na Pamahalaan ng Kalinga sa pamilya ng dalawang sundalong nasawi.
Ayon naman sa militar, ang nangyari sa kanilang tauhan ay patunay sa walang humpay na serbisyo ang kasundaluhan sa kabila ng masungit na panahon ay hindi naging hadlang upang tumigil sa pagtugis ng mga natitirang kasapi ng mga makakaliwang grupo upang mawakasan ang insurhensiya sa bansa.