Ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac ang bagong dalawang rescue vehicle para sa mga mamamayan ng Brgy. Banaba at Mabini, Tarlac City nito lamang Lunes, ika-13 ng Pebrero 2023.
Ito ay naging posible sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Cristy Angeles, City Mayor ng naturang lungsod.
Ang dalawang rescue vehicles ay mayroong stretchers, Public Address System at blinkers na maaaring magamit ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna at pangangailangan.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac ang kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.