Boluntaryong nagbalik-loob ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-13 ng Oktubre 2023.
Kinilala ang dalawang sumuko na sina alyas “Ka Danny”, 63 anyos, dating miyembro ng Underground Mass Movement Manggang Marikit Bagong Barrio Yuzon; at alyas “Ka Pilo”, 61 anyos.
Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay isinuko ang cal.38 homemade revolver na may dalawang bala at isang granada.
Hinikayat ng pamahalaan na magbalik-loob ang natitira pang miyembro ng NPA upang makamit ang ating inaasam na kaunlaran at katahimikan sa ating pamayanan.