16.4 C
Baguio City
Monday, October 21, 2024
spot_img

2 lalaki patay sa magkahiwalay na aksidente sa Tabuk City, Kalinga

Binawian ng buhay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na aksidente sa Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-3 ng Disyembre 2022.

Ayon sa Traffic Management Unit ng Tabuk City, ang unang aksidente ay naitala bandang 1:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Provincial Road, Magsaysay at ang pangalawang aksidente naman ay naitala bandang 2:00 ng madaling araw sa kaparehas na kalsada sa Brgy. Appas.

Kinilala ang unang nasawi na si Johnson Dulnuan, 25 anyos, batay sa ulat tumilapon ang biktima sa kanang bahagi ng kalsada nang nabangga ang Toyota Fortuner na minamaneho ni Eng. Valentino Dagadag, 54 habang ang motorsiklo ng biktima ay nahulog sa kanal dahil sa lakas ng pagkabangga.

Ang pangalawang nasawi naman ay kinilala ng kanyang ina na si Derson Gragasin, 20 anyos, ayon sa ulat sakay si Gragasin ng kanyang Rusi 125 na motorsiklo nang nabangga ni Felicarte Navarro, sakay din ng kanyang Honda XRM na motorsiklo na ngayon ay nasa kritikal na kalagayan.

Patuloy naman ang malalim na imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing aksidente at hinihikayat ang lahat ng motorista na maging alerto sa pagmamaneho lalo na sa mga madilim at papalikong bahagi ng kalsada.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles