Ligtas ang dalawang indibidwal sa naganap na Vehicular Traffic Accident na kinasasangkutan ng dalawang sasakyan sa kahabaan ng Km.5, La Trinidad, Benguet nito lamang Abril 15, 2023.
Batay sa ulat, binabaybay ng driver ng Suzuki Van ang Southbound inner lane patungong Km. 4 nang bumangga ang sasakyan sa median barrier.
Dahil sa lakas ng impact ay naitulak ang median barrier at napunta sa tapat na lane na tumama naman sa Isuzu Crosswind na binabagtas ang Northbound inner lane patungo sa Km. 6.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at La Trinidad PNP at dinala ang driver ng Suzuki van sa Benguet General Hospital para sa medical assistance at wala namang natamong sugat ang driver ng Isuzu Crosswind.