16.7 C
Baguio City
Saturday, September 21, 2024
spot_img

2 Igorot Pride, wagi sa Domination Muay Thai Event

Wagi ang dalawang Igorot pride na sina Islay Erika Bomogaoa at Ariel Lee Lampacan sa Domination Muay Thai Event na ginanap sa Serbian Community Centre sa Kenwick, Australia nito lamang ika-10 ng Agosto 2024.

Itinanghal ng International Federation of Muay Thai Associations (IFMA) si Islay Bomogao bilang kauna-unahang babaeng Filipino World Champion sa Muay Thai matapos nitong talunin ang isang Australian World Muay Thai Federation State Champion na si Sarah Kwa via decision sa Domination 10.

Samantala, tinalo rin ni Ariel Lee Lampacan, 2023 Southeast Asian Games Silver medalist, si Moo Dah Soe mula sa Thaiboxing Pit via decision sa naturang kompetisyon.

Sa kasamaang-palad, natalo si Zaidi Laruan laban sa Thai fighter na si Prabsuek sa Round 2 ng pangunahing event nang nakatanggap ng aksideteng siko sa likod ng ulo kaya hindi na naipagpatuloy ang laban na nagresulta ng pagkadeklera ng kanyang pagkatalo.

Ang nasabing aktibidad ay bilang pagdiriwang ng Domination Muay Thai ang kanilang ika-30th event na may international fight card na pinamagatang “Australia vs. the Philippines”.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles