Nagsagawa ng 2-Day Cluster Training in the Use of the GeoriskPH Platforms ang DOST-CAR sa Military Cut-off Road, Baguio City nito lamang Mayo 8-9, 2023.
Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mga Provincial at Municipal Risk Reduction and Management (DRMM) personnel mula sa mga probinsya ng Abra, Apayao at Kalinga kasama ang BFP-CAR, mga tauhan ng Office of the Civil Defense- CAR at ni Police Major Willy Domansi bilang representante ng Police Regional Office Cordillera.
Itinuro ng mga tauhan ng Department of Science and Technology – Cordillera sa mga dumalo ang tamang paglalagay ng mga impormasyon sa GeoMappersPH’s mobile application at ang tamang paggamit ng GeoriskPH web services sa kanilang desktop Geographic Information System Software.
Itinalakay din sa pagsasanay ang building typology, earthquakes and volcanic hazards at overview sa PlanSmart application.
Layunin ng pagsasanay na matulungan ang mga dumalo sa paggamit ng mga nasabing mobile application para sa mabilis na pagbibigay impormasyon ukol sa mga kalamidad at mga lagay ng panahon sa bawat probinsya.