17.2 C
Baguio City
Friday, October 25, 2024
spot_img

2 Cold Storage Depot sa Laoag City, itatayo para mabawasan ang pagkalugi sa mga bagong ani

Laoag City – Itatayo sa lungsod ng Laoag City at kalapit na bayan ng Sarrat ang dalawang Cold Storage Facility upang mabawasan ang pagkalugi ng mga ani dahil sa pagkasira ng mga kamatis at mga pangisdaan.

Ayon kay Engineer Ma. Teresa Bacnat, Officer-In-Charge ng Provincial Agriculture Office, matagumpay ang bidding na aabot sa Php44 milyon na halaga ng tomato storage facility na inaasahang sisimulan ang pagpapagawa sa susunod na buwan.

Dagdag pa ni Engineer Bacnat, pinondohan ng World Bank ang nasabing proyekto.

Ang nasabing proyekto ay makakatulong upang matugunan ang pagbaba ng produksyon ng palaisdaan at ng mga ani.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles