Natagpuan ng mga otoridad ang bangkay ng dalawang babae sa Sitio Inonas, Brgy. Taloy Sur, Tuba, Benguet nito lamang Oktubre 31, 2022.
Ayon sa ulat ng Tuba Municipal Police Station, ang dalawang bangkay ay kinilala na sina Andrea Rabara Quiros, 19 anyos at Anika Columbino Principe, 16 anyos.
Ayon kay Police Master Sergeant Albert Peralta Quiros, ama ni Andrea at tiyuhin ni Anika, magkasama ang dalawa ng sila ay nawala.
Patuloy naman ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.